ALCALA, CAGAYAN-Hanggang sa ngayon ay pinaghahanap pa rin ang isang two-seater Cessna 152 single engine plane na may body number na RP-C8598 matapos mawalan ng kontak sa piloto habang papunta sa lungsod ng Tuguegarao galing sa Laoag City airport.
Batay sa paunang impormasyon dalawang eroplano ang nag-take off sa Laoag City airport dakong 12:16 pm papunta sa Tuguegarao City Airport, ngunit isa lang ang nakarating 1:11 ng hapon kahapon.
Huling namonitor ang eroplano, 32 nautical miles mula sa bayan ng Alcala, Cagayan.
Sinubukan na rin umanong kontakin ang cellphone at handheld radio ng piloto pero bigo itong makontak.
Nagsasagawa ng aerial search and rescue operation upang galugarin ang posibleng pinagdaanan ng nasabing cessna plane. Rey Velasco