Nanguna sa November 2023 Pharmacists Licensure Examination, ang isang nagtapos mula sa Centro Escolar University -Manila, ayon sa Professional Regulation Commission (PRC).
Ang topnotcher na si Justine Kaye Fajardo Gajo ay nakakuha ng percentage rating na 93.25, ang pinakamataas na marka sa 2,974 na matagumpay na nakapasa sa mga pagsusulit.
Ayon sa PRC, ang top-performing school ay ang Saint Louis University na may 245 mula sa 253 graduates o 96.84% ang nakapasa sa licensure examination.
Makikita ang kabuuang ng listahan ng mga nakapasa sa pagsusulit sa opisyal na website ng PRC.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)