Home NATIONWIDE Cha-cha debate ng Kamara diringgin sa susunod na linggo

Cha-cha debate ng Kamara diringgin sa susunod na linggo

MANILA, Philippines – Iniurong sa Lunes, Pebrero 26, ng House of Representatives ang isasagawang deliberasyon sa Resolution of Both Houses No. 7 (RBH 7) na nagsusulong ng pag-amyenda sa economic provisions sa Saligang Batas.

Ayon kay House appropriations panel senior vice chairperson Stella Quimbo sa halip na Pebrero 21 at sa Pebrero 26 na ito gagawin upang makadalo ang mga inimbitahang resource persons.

“The Committee of the Whole discussions on RBH 7 will be moved to Monday due to the availability of the resource persons. As you know, the resource persons’ output is very important in this endeavor,” pahayag ni Quimbo kung saan kabilang sa inaasahang dadalo ay ang mga foreign investors, business chambers, small businesses, economists, members ng academe at mga economic managers.

“We will be having them as resource persons so we can validate, from their point of view, on how they feel about our existing policies and how it affects them. As for economists and the academe, they have been studying this for so long, and hopefully, we can get an objective assessment,” dagdag pa ni Quimbo.

Samantala, sinabi ni House Majority Leader Mannix Dalipe na ang House Committee of the Whole ay magsasagawa ng 3 pagdinig kada linggo, sa araw ng Lunes, Martes at Miyerkules.

“The plan is to hold three hearings per week. We’ll try to exhaustively discuss it,” pahayag ni Dalipe.

Ipinaliwanag ni Dalipe na bagamat mamadaliin ang proseso ay hindi naman makokompromiso ang resulta ng deliberasyon.

“We are doing a short cut. We are doing it three times a week so we can address the questions of all the House members. That is how serious we are,” pagtatapos pa ni Dalipe. Gail Mendoza

Previous articlePagbabalik sa lumang school calendar, suportado sa Senado
Next articleUPDATE: 2 patay sa sunog sa Tondo