Home NATIONWIDE Cha-cha hearing tuloy kahit walang Senate rules review

Cha-cha hearing tuloy kahit walang Senate rules review

MANILA, Philippines- Inihayag ni Senador Chiz Escudero na tuloy ang pagdinig ng Senate subcommittee on constitutional amendments and revision of codes hinggil sa economic charter change kahit hindi pa nareresolbahan ang pagkwestiyon sa Senate rules hinggil dito.

Sinabi ni Escudero na hindi tulad ng House of Representatives, walang malinaw na alituntunin ang Senado sa pag-amyenda sa Saligang Batas.

Pero, pinagsabihan niya ang kasamahan laban sa proseso sa mga susunod na pagdinig sa   Resolution of Both Houses (RBH) No. 6 na isinasagawa ng Senate subcommittee on constitutional amendments.

Nagdesisyon ng subcommittee sa pamumuno ni Senador Edgardo Angara na ituloy ang pagdinig sa Marso 5 kahit wala pang malinaw na Rules.

“No, we agreed to proceed with hearings but to wait for the rules before filing the committee report,” ayon kay Angara sa mensahe sa reporters nitong Miyerkules kung isususpinde ang pagdinig sa susunod na linggo.

Hinggil naman sa proseso sa pag-amyenda sa Saligang Batas, iginiit ng sendor na hawak ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ang Senate committee on rules.

Ayon kay Angara, pag-aaralan ng rules committee  at kung kinakailangan, lilikha ng rules o amendments na kinakailangan.

“These rules will specify the process to be followed in the reporting out of the subcommittee report and other necessary rules,” giit niya.

Sa kanyang pagtindig sa plenaryo nitong Miyerkules, iginiit ni Escudero ang “prejudicial question” na naunang inilatag ni Senator Risa Hontiveros kung aaprubahan ang anumang pagbabago sa Saligang Batas ay aaprubahang magkasama o magkahiwalay ang dalawang kapulungan ng Kongreso.

Kapwa nagsimula ang Senado at Kamara sa pagtalakay ng RBH No. 6 at RBH No.7 ayon sa pagkakasunod-sunod, ngunit magkaiba ang nilalaman kung paano boboto ang dalawang kapulungan.

Ayon kay Escudero, nakatakda sa House Rules kung paano nila aamendahan ang Saligang Batas.

 Aniya, nakatakda sa “Section 143 of House’s Rule XXI,” na nagsasabing, “the Congress, upon a vote of three-fourths (3/4) of all its Members, may propose amendment(s) to or revision of the Constitution.”

“Section 144 of the same provision, meanwhile, prescribes that “Proposals to amend or revise the Constitution shall be by resolution which may be filed at any time by any Member. The adoption of resolutions proposing amendments to or revision of the Constitution shall follow the procedure for the enactment of bills,” paliwanag pa ni Escudero

“Mr. President, I raised this because we do not have a counterpart or similar rule and right now as things stand, the House it seemed has a rule on how to adopt proposals or reject proposals on how to amend the Constitution while the Senate,” ayon kay Escudero.

“If, for example, we follow or take the position that there has to be a joint session and that separate sessions are not allowed, then clearly, we are wasting our time,” dagdag niya. Ernie Reyes

Previous articlePaltok Creek ininspeksyon ng MMDA
Next articleRemulla sa prosecutors: ‘No mercy’ vs mga suspek sa Ayala Alabang kidnap-slay