Home NATIONWIDE Cha-cha plebescite ‘di pwede sa 2024, 2025 – Comelec

Cha-cha plebescite ‘di pwede sa 2024, 2025 – Comelec

MANILA, Philippines – Hindi maaaring magdaos ang Commission on Elections (Comelec) ng anomang charter change-related plebiscite sa 2025 at maging sa huling bahagi ng Nobyembre o Disyembre ng 2024, sinabi ni Comelec Chairman George Garcia nitong Martes.

Ito rin ang sinabi ni Garcia sa Senate electoral reform at people’s participation inquiry sa diumano’y payoffs sa sa pinakahuling pagsulong ng people’s initiative na amyendahan ang 1987 Constitution.

“We cannot conduct any plebiscite in 2025. That’s a no-no, that’s a negative. We cannot conduct a plebiscite even by November of this year to December of this year. Napakaliit na po ng space na ginagalawan po ng Commission on Elections,” sabi ni Garcia sa pagdinig.

Ipinaliwanag ni Garcia na ang isang pambansang plebisito ay mangangailangan ng isang mahigpit na proseso ng pagbili na magagawa lamang kung ibe-verify ng Comelec ang lahat ng mga pirmang isinumite sa komisyon.

Maliban dito, sinabi ni Garcia na kailangang paghandaan ng poll body ang halalan na gaganapin sa 2025.

Ayon kay Garcia, na mahabang proseso pa ang kailangan at aabutin ng ilang buwan .Aniya puwedeng magsagawa ng plebisito sa Oktubre ngayong taon ngunit ang buwan na ito ay paghahain na ng certificate of candidacy.

“Therefore, nakakasabay po ‘yung mga trabahong ginagawa ng COMELEC, more particularly, Your Honors, yung registration of voters natin, which we have to start by February 12 up to September 30 of this year,” dagdag pa ni Garcia.

Nitong Lunes, sinuspinde ng komisyon ang proseso na may kinalaman sa people’s initiative para amyendahan ang 1987 Constitution.

Kasama sa indefinite suspension ang pagtanggap ng signature sheets ng local Comelec offices habang nakabinbin ang pagsusuri at rebisyon ng nasabing guidelines. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articlePagsasara ng 2K lotto outlets kinuwestyon sa Senado
Next articleFull digitalization ng PH railway system target ng DOTr