Home HOME BANNER STORY Cha-cha plebiscite ‘di mangyayari sa 2024, 2025 – Comelec

Cha-cha plebiscite ‘di mangyayari sa 2024, 2025 – Comelec

MANILA, Philippines – Sinabi ng Commission on Elections (Comelec) na ang nationwide plebiscite para sa Charter change ay hindi mangyayari ngayong taon at sa 2025 dahil sa idaraos na dalawang botohan.

Sa Kapihan sa Manila Bay forum, iginiit ni Comelec Chairman George Garcia na kung nakumpleto ang mga kinakailangang lagda at naihain lang ng mas maaga ng People’s Initiative for Reform, Modernization and Action (PIRMA) sa unang linggo ng Enero, maaring ituloy ng poll body ang plebisito sa Agosto .

Ngunit dahil kinakailangan pa ng dalawa hanggang tatlong buwan para makumpleto ang 8 milyong lagda, sinabi ni Garcia na mahihirapang ituloy ang plebisito ngayong taon dahil kailangan pang tukuyin ng poll body kung sapat ang petisyon, gayundin ang pag-verify ng mga pirma.

Binanggit ni Garcia na ang Komisyon ay hindi makakapagdaoa ng plebisito sa Nobyembre o Disyembre ngayong taon dahil ang buwan na ito ay nakatuon sa preparasyon para sa 2025 elections.

Para sa susunod na taon, iginiit ni Garcia na hindi maaaring isakripisyo ng Comelec ang midterm polls at ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

“The entire year of 2025, we cannot do the plebiscite. Kapag ganun, 2026 na tayo [If that’s the case, it may happen in 2026],” pahayag ni Garcia.

Sa panig ng PIRMA, sila ay maghahain ng petisyon kapag maabot na ang threshold.

Sa tanong tungkol sa budget, sinabi ni Garcia na wala pang pondo ang Comelec kung sakaling matuloy ang plebisito. Aniya, maaaring mapilitan ang Comelec na humingi ng pera sa contingent fund ng pangulo. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleWalang bagong buwis na ipapataw ngayong taon – Recto
Next articleKelot kalaboso sa pagpapaibig sa 20 babae, hinuthutan ng P15M