Home SPORTS Chairman Clarin sinaksihan official weigh-in nina Araneta, Magramo

Chairman Clarin sinaksihan official weigh-in nina Araneta, Magramo

MANILA, Philippiens – Sinaksihan ni Games and Amusents Board (GAB) Chairperson Atty. Richard S. Clarin ang isinagawang official weigh-in nina Christian “The Bomb” Araneta ng Cebu at Arvin “Hurricane” Magramo ng ParaΓ±aque City isang araw bago ang kanilang sapakan para sa IBF light flyweight title eliminator bout sa NUSTAR Resort Cebu Convention Center sa Kawit Island, Cebu City ngayong Biyernes, Enero 26, sa ilalim ng Omega Boxing Promotions ni Mr. Pio Castillo.

Kapwa tumimbang ang dalawang boksingero ng 107.8 lbs.

Nakalinya rin ang rematch para sa OPBF bantamweight championship kung saan idedepensa ni Froilan “The Sniper” Saludar ng South Cotabato nag kanyang titulo laban kay Keita “Slugger” Kurihara mula sa Japan.

Tumimbang si Saludar ng 117.9 lbs samantalang si Kurihara ay may bigat na 117.8 libras.

“π‘Ύπ’‰π’π’Ž 𝒂𝒓𝒆 π’šπ’π’– π’“π’π’π’•π’Šπ’π’ˆ 𝒇𝒐𝒓? 𝑳𝒆𝒕’𝒔 𝒄𝒉𝒆𝒆𝒓 𝒐𝒏 𝒐𝒖𝒓 π’‡π’‚π’—π’π’“π’Šπ’•π’† 𝒃𝒐𝒙𝒆𝒓𝒔 𝒂𝒏𝒅 π’”π’‰π’π’˜ π’•π’‰π’†π’Ž 𝒐𝒖𝒓 𝒔𝒖𝒑𝒑𝒐𝒓𝒕!,” ayon sa pahayag ng GAB.

“Nag-uumapaw ang Pinoy pride at buong pusong suporta ng GAB sa ating mga boksingero! #GAB #3xPRO #Promote #Professionalize #Protect #BagongPilipinas #AttyRichClarin #Kumbati16.”JC

Previous articleLeBron gumawa Β bagong record sa NBA Β All-Star
Next articleP4M shabu nasabat, 2 suspek arestado