Home ENTERTAINMENT Chard at Sarah, naghahatian na ng properties!

Chard at Sarah, naghahatian na ng properties!

Manila, Philippines – Bawat araw na lang ay may kaganapan sa nabuwag na pagsasama nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.

Ayon kay Ogie Diaz sa kanyang online program, ang latest development is that nasa stage na ng hatian ng mga properties ang estranged couple.

Pero nagbigay ng pasubali ang talent manager cum content creator.

Aniya: “Puwedeng itanggi ‘yan ni Richard o ni Sarah.”

Siyempre, Ogie is heavily banking on his source’s information.

Paglilinaw pa niya, wala raw prenuptial agreement ang dating couple.

Matatandaang si Ogie rin ang nagpaputok ng balitang nasa proseso na sina Richard at Sarah sa pag-aayos na mapawalang-bisa ang kanilang kasal.

With the present turn of events lalo’t legal ito in nature, tiyak na magpapaka-consistent si Sarah sa kanyang matipid na sagot.

In her latest interview, isang matipid at safe na “I’m happy!” answer ang tugon ni Sarah sa tanong kung kumusta na ang kanyang puso.

Ang malinaw nga lang sa kanyang sitwasyon ngayon, Sarah is giving another shot at showbiz. Ronnie Carrasco III

Previous articleRecto ‘di nababahala sa P14.5T utang ng Pinas
Next articlePBA: Ginebra naisahan ng SMB sa semis opener, fans nalungkot