Home ENTERTAINMENT Chard, magsasampa ng child custody case!

Chard, magsasampa ng child custody case!

Manila, Philippines- Sa latest episode ng Showbiz Now Na, tinalakay ng mga hosts nito ang pagsasaayos ni Richard Gutierrez na pumabor sa kanya ang kostudiya ng kanyang dalawang anak.

The Kapamilya actor sires Zion and Kai with estranged wife Sarah Lahbati.

Sa ngayon muna’y co-parenting setup ang kasunduan ng estranged couple.

Sa naturang setup, tig-isang linggo ang dalawang bata kina Sarah at Richard.

Napag-alamang napilitan umano ang aktor na magsampa ng child custody dahil sa kawalan ng nag-aasikaso kina Zion at Kai sa tuwing may pinagkakaabalahang trabaho si Sarah.

When at work, Sarah is unable to attend to the needs of the children.

Umaabot daw ito sa puntong hindi nakakapasok ang mga bata sa kanilang eskuwela.

Kung sakaling ia-award daw ng korte ang child custody kay Richard ay hindi magiging problema ang pag-aasikaso sa mga bata kahit busy pa ang aktor sa trabaho.

Puwedeng-puwede kasing kumuha ng yaya si Richard para mag-alaga sa mga bata.

Puwera pa raw dito ang katotohanang Richard’s mom Annabelle Rama has grown too fond of her grandkids.

Samantala, uunahin lang daw muna ni Richard na makuha ang kostudiya ng mga bata.

To follow na raw ang pagpapawalang-bisa ng kanilang kasal.

Kasama na ring reresolbahin ang hatian ng kanilang mga properties.

Sa ngayon daw, may kumokontra sa usaping ito mula sa kampo ni Sarah.

Meanwhile, balik-trabaho na uli si Richard pagkatapos ng Iron Heart.

Magiging busy na rin sa kanyang showbiz comeback si Sarah. Ronnie Carrasco III

Previous articleEksperto nagbabala sa mga sakit na nakaamba sa gitna ng El Niño
Next articleDBM naglunsad ng P1B project para sa malinis na tubig sa 75 munisipalidad