Home ENTERTAINMENT Charlie, best actress sa Urian; Kathryn, no-show!

Charlie, best actress sa Urian; Kathryn, no-show!

(c) Anima Studio FB Page

Manila, Philippines -Conspicuously absent si Kathryn Bernardo sa nakaraang 47th Gawad

Urian na idinaos sa DLSU Auditorium.

Nominado si Kathryn para sa pelikulang A Very Good Girl.

It turned out na ang nag-uwi ng Best Actress trophy ay si Charlie Dizon.

Charlie–now Mrs. Carlo Aquino–won for Third World Romance.

Bale ba, naunang ipinagbunyi ni Charlie ang kanyang pagkapanalo as the event the next day called for a much bigger celebration.

Nito ngang June 9 ay ikinasal sila ni Carlo sa isang private resort sa Silang, Cavite.

Nabuking na lang ito mula sa tsika ng isang makeup artist.

Anyway, going back to Kathryn–totoo bang sinabihan siya ng mga tagapamuno ng Urian na hindi siya ang tatanghaling Best Actress, hence, her no show?

Dati-rati naman kasi, consistent sa attendance ang mga Urian nominees: manalo’t matalo’y present sila sa gabi ng parangal.

Anyway, nakaisang Best Actress trophy for the same movie na naman si Kathryn: sa Famas.

Never expect na nagkakapareho ang choices ng mga award-giving bodies.

Ang Urian pa ba na laging “paiba”? Ronnie Carrasco III