Home NATIONWIDE Chavez humingi ng paumanhin sa fake news

Chavez humingi ng paumanhin sa fake news

MANILA, Philippines – HUMINGI ng paumanhin si Presidential Assistant for Strategic Communications Cesar Chavez sa ginawa nitong pag-post sa Official Gazette of the Republic of the Philippines ng Proclamation No. 427 na nagdedeklara ng Special (Half-Working) day sa araw ng Biyernes, Disyembre 22, sa buong bansa.

Kagyat na inamin ni Chavez na hindi beripikado at hindi niya binirepika muna ang pinost niyang content.

“Apologies. I posted a content that was not first verified by me. For the confusion, the blame should be on me. I take full responsibility for this,” ang text message ni Chavez.

Nauna rito, sumigaw ng “FAKE NEWS” si Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil sa lumabas na proklamasyon na nagdedeklara ng Special (Half-Working) day sa araw ng Biyernes, Disyembre 22, sa buong bansa.

Sinabi ni Garafil sa isang text message na “negative po ito. Fake news” na ang tinutukoy nga ay ang nasabing proklamasyon.

Sa ngayon ay deleted na ang nasabing post habang nagpalabas naman ng paglilinaw ang Official Gazette na nagsasabing ” Attention: The document circulating as Proclamation No. 427, allegedly declaring Friday, 22 December 2023, as a special (half-working) day throughout the Philippines under the signature of President Ferdinand R. Marcos Jr., is false. This Proclamation lacks official verification or recognition by the government. Please rely on official government sources by accurate information and refrain from dissenting unverified claims.”

“This is fake.” ang sinabi naman ni Ilocos Norte 1st District Rep. Ferdinand Alexander (Sandro) Marcos patungkol pa rin sa nabanggit na proklamasyon.

Nauna rito, makikita rin kasi sa nasabing post na “Bongbong Marcos na Half-Working DAY SA BUONG BANSA upang bigyang-daan ang mga uuwi para sa long-weekend at araw ng Pasko.”

Bagama’t makikita pa rin sa proklamasyon na pirmado ito ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin, may pahintulot ni Pangulong Marcos ay giit ng PCO na fake news ito. Kris Jose

Previous articleNapapanahong pagpasa sa 2024 budget susuporta sa ekonomiya – NEDA
Next articleNBP at iba pang detention facility nananatiling COVID free