Home METRO Checkpoint ng MPD nagpapatuloy sa simbang gabi at papalapit na Pista ng...

Checkpoint ng MPD nagpapatuloy sa simbang gabi at papalapit na Pista ng Itim na Nazareno sa Quiapo

MANILA, Philippines – UPANG maiwasan ang anumang uri ng kriminalidad sa buong nasasakupan ng Plaza Miranda Police Community Precinct, muling inutos ang pagpapaigting ng seguridad sa paligid ng simbahan ng itim na Nazareno sa Quiapo, Manila.

Bago magdilim, nagsasagawa ng checkpoint ang mga tauhan ng Tactical Motorized Rider Unit ng MPD- Sta. Cruz Police Station 3 hanggang sa idaos ang simbang gabi ng 8:00 hanggang 9:00 ng gabi.

Bukod sa inilatag na checkpoint, utos pa rin ni Police Captain Rowell Robles, Hepe ng Plaza Miranda PCP na pag-ibayuhin ang pagmamanman sa paligid ng simbahan, dahil laganap na naman ang mandurukot, snatching at holdapan sa pagsapit ng Pasko.

Ito ay sa direktiba na rin ni Police Lieutenant Colonel Leandro Gutierrez, Station Commander ang paghihigpit ng seguridad, hanggang sa sumapit ang pagdiriwang ng kapistahan ng Itim na Nazareno sa Quiapo sa Enero 9, 2024.

Gayunman, ayon kay MPD- Director OIC, Police Colonel Arnold Thomas Ibay sa mga Station Commander mula Station 1 hanggang Station 14, na bantayan ang mga mamamayan na magtutungo sa mga mall partikular na sa mga matataong lugar para mamasyal at magsimba.

Nabatid sa pulisya, na may posibilidad na magkaroon ng paghahasik ang masasamang loob kaya kailangan ang mahigpit na seguridad. Rene Crisostomo

Previous articleNBP at iba pang detention facility nananatiling COVID free
Next articleSarah, pinagsasalita na ng netizens!