Home HOME BANNER STORY CHED chairman: I did not stop K-to-12 in SUCs

CHED chairman: I did not stop K-to-12 in SUCs

MANILA, Philippines – Nilinaw ni Commission on Higher Education (CHED) Chairman J. Prospero de Vera III na hindi niya ipinag-utos ang pagpapahinto sa K-to-12 Program sa state universities at colleges.

“Nagsabi ang [Department of Education na] wala nang voucher. That’s why I issued another memorandum telling the [SUC] presidents, ‘Go to your boards now because there is no more voucher. There is no more legal basis for you to have Senior High,’” paliwanag ni De Vera sa public briefing nitong Sabado, Enero 20.

Sinabi pa niya na dahil kinuha na ng DepEd ang pondo para sa SHS programs sa SUCs, wala nang kapasidad o pondo ang mga kolehiyo para patakbuhin ang nasabing mga programa.

Sa kabila nito, mayroon pa ring ilang SUCs ang nagdesisyon na ipagpatuloy ang mga programa gamit ang kanilang badyet para sa mga kasalukuyang estudyante.

Ang mga voucher naman para sa SHS students ay kalaunan ay ibinalik ng DepEd.

“You cannot charge tuition because the constitution says elementary and high school are compulsory and free. You cannot charge public high schools. Free public universities are also free, so you cannot charge them as a University. You cannot charge them also for high school, where will you get the money to pay for teachers, for the facilities, for the education, and materials of students?” ani De Vera.

“DepEd decided to continue the voucher program for [Grade] 11 and 12, so meron ng pagkukunan ng pera… Yung ibang SUCs even before the announcement of DepEd already said, ‘We will use our own money para mapag-graduate yung mga bata kasi tinanggap na namin sila,’” dagdag pa ng opisyal.

Iginiit din niya na walang kautusan na sipain ang mga kasalukuyang estudyante ng SHS at ang mga SUC na tumanggap sa kanila ay dapat na ipatapos sa mga estudyante ang kanilang SHS education.

Samantala, pag-aaralan pa ng CHED ang posibilidad ng pagpapatupad ng specific SHS programs ng mga SUC bilang feeder schools.

“Wala pang legal basis yan pero pinag-aaralan natin paano ba gagawin yan for interested schools, but that is something that we have to sit down and I told the House Committee when I was there this is something that we can talk about. We ‘re open to talking about it, but the SUCs must be the one to say it,” ayon pa kay De Vera. RNT/JGC

Previous articlePatay sa landslide sa Davao, 13 na – OCD
Next article3 patay sa paglusob ng mga armadong lalaki sa barangay hall sa Meycauayan