Home NATIONWIDE CHED nagtakda ng plano vs low int’l assessment ranking ng PH studes

CHED nagtakda ng plano vs low int’l assessment ranking ng PH studes

MANILA, Philippines – Nangako ang Commission on Higher Education (CHEd) nitong Miyerkules, Disyembre 6 na magpapatupad ng hakbang upang mapabuti ang performance ng mga estudyante Filipino sa international assessments kasunod ng resulta ng 2022 Programme for International Student Assessment (Pisa).

Ayon sa CHED, makikipagtulungan ito sa Department of Education (DepEd) upang mapaunlad ang learners’ performance sa international large-scale assessments (ILSAs), kabilang ang Pisa.

“We want to realize the national education vision laid out in the Philippine Development Plan (2023-2028) in order to ‘ensure that all Filipinos are able to realize their full potential to keep pace with the envisioned socioeconomic transformation,’” saad sa pahayag ng komisyon.

Nangako rin ang CHED na isasama rito ang Centers of Development (COD) at Centers of Excellence (COEs) in Teacher Education upang masusing mapag-aralan ang kalalabas lamang na PISA results at makagawa ng komprehensibong solusyon sa patuloy na poor performance ng bansa.

“We shall expand the Technical Panel for Teacher Education (TPTE) to include DepEd curriculum development and learner assessment specialists along with other leaders in education transformation to address quality preservice teacher education,” dagdag pa ng CHED.

Kasabay nito, magbibigay din ang CHED ng special learning module upang makatulong sa mga guro na maabot ang kahalagahan ng ILSA sa pag-promote ng accountability sa learning outcomes.

Dagdag pa, layon din ng CHED na i-phase out ang teacher education degree programs sa underperforming teacher education institutions upang solusyunan ang kalidad ng mga guro sa bansa, at magkaroon ng positibong epekto sa learner outcomes.

Makikita sa 2022 Pisa results na ang mga estudyanteng Filipino ay kulelat pa rin sa mathematics, science, at reading.

Sa 81 participating countries, ang Pilipinas ay nasa ikatlo sa pinakamababang pwesto sa science sa average score na 356.

Ika-anim naman mula sa pinakahuli, ang Pilipinas sa mathematics ranking sa average score na 355, at ikaanim mula sa huli sa reading sa average score na 347.

Bilang tugon sa resulta ng international assessment, pinangunahan ng DepEd ang national forum upang talakayin ang naturang isyu. RNT/JGC

Previous articleHiwalayang KathNiel, gimik lang daw!
Next articleCeres Bus Liner sinuspinde ng LTFRB sa aksidente sa Antique