Home NATIONWIDE #ChedengPh lalong lumakas!

#ChedengPh lalong lumakas!

Lalong tumitindi ang Tropical Storm Chedeng sa ibabaw ng Philippine Sea habang patuloy itong kumikilos sa direksyong kanluran hilagang-kanluran, ayon sa Tropical Cyclone Bulletin na inilathala ng PAGASA nitong Miyerkules ng umaga.

Ang sentro ng Tropical Storm Chedeng ay tinatayang nasa 1,060 kilometro silangan ng Southeastern Luzon na taglay ang maximum sustained winds na 75 kilometers malapit sa gitna, pagbugsong aabot sa 90 km/h, at central pressure na 998 hPa.

Kumikilos ang Chedeng pakanluran hilagang-kanluran sa bilis na 10 km/h na may malalakas na hanging agos hanggang sa 340 km mula sa gitna.

Walang Wind Signals na nakataas sa oras na ito.

Sa kabilang banda, ang Tropical Storm Chedeng ay posible na hindi direktang magdadala ng malakas na pag-ulan sa alinmang bahagi ng bansa sa susunod na 3 hanggang 5 araw. RNT

Previous articleLotto Draw Result as of | June 7, 2023
Next article5 pang Pinoy tigok sa COVID; 676 dagdag-kaso