Home ENTERTAINMENT Cherry Pie, umaming split na kay Edu!

Cherry Pie, umaming split na kay Edu!

Manila, Philippines- Kung hindi pa nagkaroon ng pelikulang kalahok sa MMFF, hindi pa malalaman ng press na split na si Cherry Pie Picache kay Edu Manzano.

Cherry Pie is in the cast of Firefly.

Kung tutuusin, last year pa nang maiulat na break na si Edu at ang aktres.

Sa katunayan, sighted si Cherry Pie na mag-isang nagbi-Visita Iglesia noong Maundy Thursday last year.

Finally, Cherry Pie broke her silence.

Matatandaang muling “nabuhay” ang kanilang damdamin sa isa’t isa when they did ABS-CBN’s Marry Me, Marry You.

Rekindled in the sense na naudlot daw ang kanilang relasyon some 20 years ago.

Inamin ng aktres na hindi raw naging madali ang proseso ng pagmu-move on.

Pero nalampasan na raw niya ang phase na ‘yon sa kanyang buhay.

Ayaw nang idetalye ni Cherry Pie what caused the breakup.

Despite their falling out, the actress has nice words for Edu: “He’s a very good person, a very good friend.

“We will always love each other as we’re friends!”

Not because she’s back to being single ay malamig ang Pasko niya.

Ani Cherry Pie, at her age now ay hindi dapat nakadepende ang kanyang kaligayahan sa ibang tao.

All that she needs to do now is to make herself whole again para magmahal uli.

No, the award-winning actress hasn’t given up on loving again.

“Pag may dumating, why not? But as I’ve said, my happiness doesn’t have to depend on another person,” paglilinaw ng aktres. Ronnie Carrasco III

Previous articleMag-asawa utas sa selos!
Next articleGMA, damay sa hiwalayang Mavy at Kyline!