Home NATIONWIDE Chikungunya cases lumobo ng 381%

Chikungunya cases lumobo ng 381%

MANILA, Philippines – Tumaas ng 381 percent ang mga kaso ng Chikungunya na naitala sa Pilipinas mula Enero 1 hanggang Nobyembre 25 kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon, ipinakita ng monitoring data mula sa Department of Health (DOH).

Ngayong taon, tumaas ang kaso ng chikungunya sa 2,854 mula sa 593 noong nakaraang taon, batay sa epidemic-prone disease case surveillance report ng DOH.

Naitala ang 20 kaso sa bansa mula Nobyembre 19 hangang 25.

Karamihan sa mga kaso ngayong taon ay naiulat mula Cordillera Administrative Region na may 1,144.

Sinundan ito ng Mimaropa na may 457, Cagayan Valley na may 377, at Ilocos Region na may 371.

Gayunpaman, walang pasyenteng namatay dahil sa viral disease na dala ng lamok sa nakalipas na dalawang taon.

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang mga sintomas ng chikungunya ay kinabibilangan ng lagnat, matinding pananakit ng kasukasuan, pananakit ng kalamnan, pananakit ng ulo, pagduduwal, pagkapagod, at pantal.

Sa ngayon, walang aprubadong bakuna o paggamot para sa mga impeksyon sa chikungunya virus. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleJeepney operations sa Davao City, normal sa kabila ng transport strike – LTFRB
Next articleLapid nanguna sa pamamahagi ng financial assistance ng DOLE-TUPAD sa Sasmuan