Home NATIONWIDE Chikungunya cases sa bansa, pababa na – DOH

Chikungunya cases sa bansa, pababa na – DOH

MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Health (DOH) na ang mga kaso ng chikungunya na naitala sa buong bansa ay bumaba sa nakalipas na tatlo hanggang apat na linggo.

Batay sa pinakahuling datos noong Disyembre 16, 57 kaso lang ng Chikungunya ang naitala mula Nobyembre 19 hanggang Disyembre 2, 2023.

“It is a 51 percent decrease from the 116 cases reported two weeks prior. No death has been reported thus far,” sabi ng DOH.

Ang kabuuang bilang nito mula Enero 1 hanggang Disyembre 2, 2023 ay umabot na sa 2,928 kaso.

Karaniwang tumataas ang mga kaso ng chikungunya sa panahon ng tag-ulan, mula Hunyo hanggang Setyembre, gaya ng naobserbahan sa limang taong datos.

Ang trend ngayong taon ay katulad ng mga kaso na kasalukuyang nasa downtrend pagkatapos ng mas mataas na bilang na iniulat sa panahon ng tag-ulan.

Ang mga pasyente ay maaaring bigyan ng mga gamot upang mabawasan ang pananakit at pamamaga sa kabila ng kawalan ng partikular na paggamot para sa Chikungunya. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleDOH nagbabala vs deadly watusi
Next articleBiyahe sa Batangas port delayed sa masamang panahon, kondisyon sa dagat – PCG