Child marriage sa PH, wawakasan ni Risa

Child marriage sa PH, wawakasan ni Risa

March 5, 2020 @ 12:18 PM 3 months ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Nakatakda nang wakasan ni Senador Risa Hontiveros ang child marriage sa bansa na nagnanakaw sa ligtas at maarugang childhood ng ating kabataan kung patuloy na pinayagan ang ganitong sistema.

 

Sa pahayag, sinabi ni Hontiveros, chairman ng Senate committee on women, youth and gender equality, na layunin ng Senate Bill No. 1373 o ang “Girls Not Brides Act” na iwasan at wakasan ang child marriage sa pamamagitan ng pagtukoy dito bilang public crime.

 

“If we continue to allow child marriages, we are essentially robbing our youth of their right to a safe and nurturing childhood,” aniya.

 

“Under the bill, any person who facilitates and solemnizes this union will face a prison sentence of up to 12 years, and fines of up to 50,000 pesos,” ani Hontiveros.

 

“He or she will be held liable under the Republic Act No. 7610, or the Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act”, paliwanag pa niya.

 

Aniya, tinatayang aabot sa 726,000 ang children marriage sa bansa bago pa sila makarating sa ika-18 kaarawan kaya tumalon ang Pilipinas sa ika-12 puwesto sa may pinakamataas na bilang sa buong mundo.

 

“At a time when we, together with the rest of the world, are slowly making headway in ensuring that young girls are protected and are able to reach their full potential as human beings, the existence of child marriages in our country negates these efforts,” giit niya.

 

Ipinaliwanag pa ni Hontiveros na hindi na makakapasok sa paaralan ang mga child brides kaya’t nawalan sila ng pagkakataon umunlad at iba pang opurtunidad na iniaalok ng edukasyon.

 

Puwede din silang maging biktima ng sexually transmitted infections, domestic violence, abuse, at exploitation.

 

Ipinaliwanag pa ni Hontiveros na kahit ipinagbabawal sa mga kabataang may edad 18-anyos pababa na maging bahagi ng legal contract upang maitaguyod ang legitimacy ng kasal, mnahigit kalahating milyong kababaihan ang napipilitan sa ganitong kalakaran.

 

Kinikilala din ng senador ang cultural sensitivities na bumabalot sa child marriage kaya ipinanukaldito ang culturally-appropriate programs at serbisyo na pangungunahan ng Department of Social Work and Development upang tugunan ang pangangailangan ng sinuman na maapektuhan ng batas.

 

“Poverty may be among the drivers of child marriages, but there is also a subtler impulse behind this practice. Child marriage, as part of social norms in communities where it is common, is often the result of entrenched gender inequality,” aniya.

 

“Culture can be considered not only as practices but also a process. Culture continues to evolve, accepting of new knowledge and later realizations. We are duty-bound to acknowledge that our children are our future, and all that we do must be in their best interest,” giit pa ni Hontiveros. Ernie Reyes

Share

Leave a Reply

Loading...