Childbirth protocols sa gitna ng COVID-19 crisis, pinabubuo ni Koko sa DOH

Childbirth protocols sa gitna ng COVID-19 crisis, pinabubuo ni Koko sa DOH

April 9, 2020 @ 5:04 PM 2 months ago

  • 28
  •  
  •  
    28
    Shares
Share

Manila, Philippines – Pinaalalahanan ni Senator Aquilino “Koko” Pimentel III ang Department of Health (DOH) na dapat ay bumuo ito ng payak na alituntunin ukol  sa medical treatment ng mga buntis na pasyente na mayroong coronavirus disease 2019 (COVID-19).

 

Isa ang mga buntis, kabilang ang mga matatanda, maging ang may pre-existing nang medical condition sa tinuturing na bulnerable sa COVID-19.

 

“DOH should be reminded to come up with protocols on ‘childbirth in the COVID era’ just in case they haven’t yet. Pregnant women are one of the most vulnerable at this time. They worry about COVID and they worry about their pregnancy,” ani Pimentel.

 

“A game plan should be put in place for COVID positive mothers-to-be,” dagdag pa ng senador na isa muling bagong ama matapos na manganak ang kanyang asawa nitong nakaraang linggo lang.

 

Suhestsyon pa ng senador na dapat ay may sariling team ng medical healthcare workers na tututok sa mga ganitong klaseng kaso.

 

Si Pimentel ay isa sa tatlong senador na positibo sa COVID-19.

 

Matatandaang kaliwa’t kanang batikos ang natanggap ng senador matapos na samahan ang buntis na asawa sa hospital. RNT

Share

Leave a Reply

Loading...