Home NATIONWIDE China dapat lumayas na sa UN kung ‘di susunod sa int’l laws-Remulla

China dapat lumayas na sa UN kung ‘di susunod sa int’l laws-Remulla

372
0

MANILA, Philippines – Dapat na lamang umalis bilang miyembro ng United Nations (UN) ang China kung hindi rin lamang ito tatalima sa mga international law.

Ito ang inihayag ni Justice Secretary Crispin Remulla kaugnay sa patuloy na mapangahas na hakbang ng China sa West Philippine Sea.

Ayon kay Remulla na bahagi ng Cabinet cluster on national security, patuloy na pinag-aaralan ng pamahalaan ang usapin.

Marami aniyang ginagawang paraan ang gobyerno na hindi muna maaaring pag usapan at maihahayag na lamang sa tamang.

Binigyan-diin ng kalihim na dapat sumunod at igalang ng Beijing ang mga international law gaya ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) upang mabawasan ang tensyon sa South China Sea.

Ang UNCLOS ay kinikilala bilang isang batas ng mga bansang kasapi ng UN at ang China ay nananatiling kasapi ng UN kung kaya dapat nito igalang ang UN conventions.

Ang Manila at Beijing ay kabilang sa mga lumagda sa 1982 UNCLOS. Teresa Tavares

Previous articleDOJ bubuo ng grupong magmo-monitor sa lalabag sa rice price ceiling
Next articleSIM nairehistro gamit mukha ng unggoy – NBI

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here