Home HOME BANNER STORY China-made ‘Shrilling Chicken’ Toys nakalalason!

China-made ‘Shrilling Chicken’ Toys nakalalason!

Muling nanawagan ang toxic watchdog na alisin sa merkado ang Toxic China-made ‘Shrilling Chicken’ na laruan dahil ito ay natuklasang naglalaman ng hindi ibinunyag na additives na maaring malantad ang mga bata sa panganib ng kemikal.

Ang nasabing laruan ay uninibenta ng P50 kada isa na may ibat-ibang kulay.

“Toxic watchdog group BAN Toxics reiterates its call to remove from the shelves the ‘shrilling chicken’ and all squeaky toys that have either been banned or are unnotified by the Food and Drug Administration (FDA),” paliwanag ni Thony Dizon, Toxics Campaigner ng BAN Toxics.

Noong 2020 , ang FDA ay nagpasya laban sa pagbili at paggamit ng hindi na-notify na produkto dahil sa pagkakaroon ng phthalates – isang kilalang endocrine disrupting chemical.

Ang ‘shrilling chicken’ ay natuklasang mayroong 8.4% di(2-ethylhexyl) phthalate (DEHP) at 0.5 % diisononyl phthalate (DINP), na lagpas sa safety limit na itinakda sa DOH Administrative Order 2009-005-A s. 2011. Ang kautusang ito ay nagsasaad na: “it shall be unlawful for any person to manufacture for sale, offer for sale, distribute in commerce, or import into the country any children’s toy that contains concentrations of more than 0.1 percent of di-(2-ethylhexyl) phthalate (DEHP), dibutyl phthalate (DBP), or benzyl butyl phthalate (BBP).”

Ang Phthalates ay plasticized Polyvinyl Chloride (PVC), na kabilang sa tinatawag na endocrine-disrupting chemicals (EDCs). Ang mga uri ng kemikal na ito ay gumagaya, humaharang, o nakakasagabal sa mga hormone sa endocrine system ng katawan at naiugnay sa magkakaibang hanay ng mga isyu sa kalusugan kabilang ang mga epekto sa pag-unlad ng reproduktibo.

Naobserbahan din ng grupo sa kanilang regular na monitoring efforts na karamihan sa mga laruan ay kulang pa rin sa mandatory toy safety labeling requirements sa ilalim ng RA 10620.

Ang Toy and Game Safety Labeling Law ay nag-aatas sa mga manufacturer na sumunod sa labeling information, gaya ng license to operate (LTO) numero, pagmamarka ng edad, mga babala sa pag-iingat, literatura sa pagtuturo,ntsructural literature, manufacturers marking, item model, stock-keeping unit (SKU) number.

“We are saddened that banned toys are still being peddled in bargain toy shops, deceiving the public into purchasing cheap toys notwithstanding the danger of toxic exposure,” saad ni Dizon.

Tinatawagan ng BAN Toxics ang atensyon ng mga regulatory agencies na agad na magsagawa ng post surveillance at mga confiscation efforts upang maalis ang iligal na pagbebenta ng hindi ligtas na mga laruan sa merkado. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)