Home OPINION CHINA, MAG-INGAT- INGAT KA!

CHINA, MAG-INGAT- INGAT KA!

1748
0

ANG kawalan nang hiya ng China sa pambu-bully sa
palibot ng West Philippine Sea ay isang nakatatakot
na pagpapamukha ng kapangyarihan, kung hindi
man ampaw na pagyayabang. Imadyinin n’yo ‘yung
pagpapadala nito nan halos 50 Chinese militia
vessels malapit sa Recto Bank.

Ang nagbabantang presensiya nito sa inaangking
bahagi ng ating karagatan ay nagbubunsod ng
pagkabahala — na inilarawan ni Philippine Coast
Guard Commodore Jay Tarriela na pagpoposisyon
upang okupahin ang bahaging iyon ng exclusive
economic zone ng Pilipinas.

Sa harap nang hindi pa nangyari noon na kawalang
respeto ng Chinese maritime militias, nananatili pa
ring napakaimportante nang diplomasya, alinsunod sa matagal ng paninindigan ng Maynila. Alam kasi ng Pilipinas na nauunawaan ng buong mundo ang seryosong impluwensiya ng arbitral ruling noong 2016, kahit pa magmaang-maangan ang China na
hindi ito umiiral.

Kaya naman sa kabila nang kawalang kibo ng
sambayanang Pilipino, suportado ng
makakapangyarihan nating kaalyado, gaya ng
Amerika, Japan, Australia, ng ASEAN, at ng natitira
sa malayang mundo, ang pagpapalakas ng ating
kakayahan sa depensa habang pinananatili ang
katatagan at kalayaang dumaan sa mahalagang
Indo-Pacific trade route na ito.

Kung gayon, ang mga ginawa ng China sa West
Philippine Sea ay maaaring ituring na katawa-
tawang palabas, dahil batid ng lahat na ang
maritime passage na ito ay isang “world stage.”

Pero kahit pa ito ay simpleng kaangasan ng dragon,
mas mainam kung tumigil na ang China sa ginagawa
nito dahil ang mga tratadong pandepensa,
pakikipag-ugnayan at sabayang pagsasanay kasama
ang pinakamakapangyarihang sandatahan sa mundo
ay tunay na tunay.

 Naghihingalong pwersa
Ang New People’s Army ay isa na lamang
naghihingalong puwersa ngayong ang mga tauhan
nito ay nasa 1,800 na lang mula sa 2,112 noong
Disyembre.

Kumpara noong kalagitnaan ng dekada ’80, kung
saan ang mandirigma ng NPA ay umaabot sa
24,000, ang kasalukuyang estadistika ay patunay ng
estratehikong tagumpay ng gobyerno sa
pakikipaglaban para sa kapayapaan.

Dapat lamang na purihin ang Armed Forces of the
Philippines sa pagkakaroon ng determinasyong
tibagin ang istrukturang pulitiko-militar ng CPP-NPA-
NDF.

Ayon kay Col. Medel Aguilar, tagapagsalita ng AFP,
dahil sa seryosong pagtutok sa mga natitirang
aktibong bulwarte ng mga guerrilla, partikular sa
Northern Samar, abot-kamay na ngayon ang
pangkalahatang tagumpay.

Para sa mga nakikisimpatiya sa mga paniniwalang
komunista, umaapela sa inyo ang Firing Line na
baguhin sana ang mga gusto ninyong taluntunin sa
buhay. Sa halip na pag-alabin ang kawalan ng
pagkakaisa at labis na karahasan, pagtuunan pa rin
nating mabuti ang pagpapaunlad sa bansa.

Ang mga kolehiyo at unibersidad ng gobyerno, kung
saan nanghihikayat ang NPA ng mga magiging
miyembro, ay dapat na maging sentro ng edukasyon
at pagkatuto at hindi ‘breeding grounds’ para sa
armadong pakikibaka.

Sa pagtutulong-tulong at pagkakaroon ng ambag sa
pagpapaunlad ng ating bansa, kaya ng mga Pilipino
na magpasimula ng isang maliwanag na
kinabukasan para sa lahat.

Suportahan natin ang ating sandatahang lakas
habang walang pagod silang nagsasakripisyo at
nagbubuwis ng buhay masiguro lang ang
kapayapaan, katatagan, at kaunlaran ng ating
bansa.

*              *              *

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon,
mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa
@Side_View.

Previous articleKanseladong flights ngayong Biyernes, Hulyo 14
Next articleNPD CHIEF, ‘MODEL’ COMMANDER NG R-PSB PROJECT NG NCRPO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here