Home NATIONWIDE China muling kinondena sa Senado sa paglugosb sa PH supply ship sa...

China muling kinondena sa Senado sa paglugosb sa PH supply ship sa WPS

147
0

MANILA, Philippines – Matinding kinondena muli ng dalawang senador ang China sa patuloy na panghihimasok at paglusob sa barko ng Pilipinas na naglalayag sa loob ng teritoryong karagatan ng bansa sa West Philippine Sea (WPS).

Sa magkakahiwalay na pahayag, sinabi nina Senador Risa Hontiveros at Senate Majority Leader Joel Villanueva na walang karapatan ang sinumang dayuhan partikular ang China na gipitin ang barko ng Pilipinas sa mismong teritoryo ng bansa.

“Mariin kong kinokondena ang marahas na pagharang ng Tsina sa ating mga barko sa sarili nating teritoryo sa West Philippine Sea,” ayon kay Hontiveros sa pahayag.

Aniya, walang karapatan ang Chinese Coast Guard na harangin, at magsagawa ng water canon sa ating supply ship na naglalayag sa teritoryo ng Pilipinas.

“Wala silang karapatang gutumin ang mga Pilipino sa Ayungin Shoal,” ani Hontiveros.

Ayon kay Hontiveros, nagsusulong ng isang resolusyon na idulog sa United Nations General Assembly (UNGA) ang panggigipit, panghihimasok at paglusob ng China na sakop ng teritoryo ng bansa alinsunod sa itinakda ng UNCLOS at 2016 Arbitral Award.

“China’s repeated provocations are in complete violation of UNCLOS and the 2016 Arbitral Award. I call on our regional neighbors and the broader international community to join the Philippines in condemning this dangerous behavior,” ayon kay Hontiveros.

Umaasa din si Hontiveros na magsasanib ang claimant countries sa South China Seas upang supilin ang China.

“I also hope our country can start joint patrols with other claimant countries in the SCS, such as Vietnam, Malaysia, Indonesia, and Brunei. Kailangan nating magtulungan para mapahinto ang agresibong mga aksyon ng Tsina,” ayon kay Hontiveros.

“Umaasa din ako na ang DFA ay sinisimulan na ang mga hakbang para ilapit sa iba’t ibang international fora ang walang katapusang panghihimasok ng Tsina. The recently adopted Senate resolution 718, with its precision and specific recommendations, is at their disposal,” giit pa niya.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Villanueva, isa rin sa lumagda sa Senate Resolution No. 718 na dapat nang matigil ang bullying ng China sa ating mamamayan partikular ang Philippine Navy at mangingisdang Filipino.

“We need to have a strong stance against the continuous harassment of the Chinese Coast Guard on our Philippine Coast Guard – in our very own territory! This is the reason why the Senate adopted Resolution No. 79 strongly condemning incursions like this. Your Senate is always ready to fight for and protect the country’s sovereignty and sovereign rights. We urge the Department of Foreign Affairs to implement the courses of action stipulated in the resolution passed by the Senate to finally put an end into this harassment and bullying by China,” ayon kay Villanueva. Ernie Reyes

Previous articleOktubre idineklarang communications month sa anibersaryo ng PCO
Next articlePBBM admin maglulunsad ng lifeline rate program sa pagbabayad ng electric bills

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here