MANILA, Philippines – Naglagay ng tatlong navigation beacons ang China sa pinag-aagawang Spratly islands sa South China Sea.
Ito ay kapareho ng naunang inilagay naman ng Pilipinas na mga tanda.
Ayon sa Transport Ministry ng China nitong Miyerkules, Mayo 24, sinabi nito na naglagay ang kanilang South China Sea maritime security center ng tatlong tanda malapit sa Irving Reef (Balagtas Reef), Whitsun Reef (Julian Felipe Reef), at Gaven Reefs (Burgos Reefs) ng Spratly islands.
Layon ng paglalagay ng beacon na siguruhin umano ang kaligtasan ng mga barko sa navigation at operasyon.
Kung babalikan, ngayong buwan ay naglagay din ng navigational buoys ang Pilipinas taglay ang bandera ng bansa sa exclusive economic zone, kabilang ang Balagtas Reef at Julian Felipe Reef. RNT/JGC