TAIWAN – Sinabi ng China nitong Sabado, Setyembre 9 na “on constant high alert” ang kanilang mga sundalo makaraang tumawid ng Taiwan Strait ang dalawang barko na pagmamay-ari ng United States at Canada.
“The Eastern Theatre Command of China’s PLA organised naval and air forces to trail their entire course and stand alert in accordance with laws and regulations,” sinabi ni Senior Colonel Shi Yi, na tumutukoy sa People’s Liberation Army.
“Troops in the theatre remain on constant high alert, and will resolutely protect national sovereignty and security as well as regional peace and stability,” saad sa pahayag ni Shi.
Ani Shi, ang dalawang barko na tinukoy na “Johnson” ng United States at “Ottawa” ng Canada — ay “openly hyped up” sa kanilang pagdaan sa naturang karagatan.
Matatandaang nasa ilalim ng panganib ang Taiwan na masakop ng China. RNT/JGC