Home HOME BANNER STORY China, PH binatikos ng Vietnam sa presensya sa EEZ, paglalagay ng buoy

China, PH binatikos ng Vietnam sa presensya sa EEZ, paglalagay ng buoy

479
0

MANILA, Philippines – Binatikos ng Vietnam ang Chinese research ship at Philippine Coast Guard sa presensya ng mga ito sa South CHina Sea, kasunod ng pag-aakusa sa dalawang bansa na lumalabag umano sa soberanya ng una.

Matatandaan na nagkagirian ang Chinese at Vietnamese vessels sa iba’t ibang pagkakataon kamakailan, habang kumikilos ang Chinese research ship patungo sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Hanoi, na ayon sa mga eksperto ay isang uri ng survey.

Ang naturang survey ay kritikal umano lalo na kung hindi aabisuhan ang bansang papasukin nito.

Sa press conference naman, sinabi ni Vietnamese Foreign Ministry spokesperson Pham Thu Hang na ang mga barkong ito ay “violating the sovereign rights and jurisdictions of Vietnam,” sabay-sabing gagawa sila ng hakbang para depensahan ang kanilang karapatan sa lugar.

Sinabi naman ng China na ang scientific research ay normal na aktibidad lamang sa ilalim ng hurisdiksyon ng China.

Matatandaan na inaangkin ng China ang halos kabuuan ng South China Sea bilang kanilang teritoryo na batay umano sa kanilang lumang mapa, kabilang ang mga dagat na sakop ng EEZ ng Vietnam at apat iba pang bansa ng Southeast Asia.

Maliban sa China, pinuna rin ng Vietnam ang Pilipinas sa paglalagay nito ng
navigational buoys sa limang lugar ng EEZ nito, na sinasabi ng Vietnam na bahagi rin ng kanilang teritoryo.

Nang tanungin naman si Hang sa naging hakbang na ito ng Pilipinas, sinabi niya na:

“Vietnam strongly opposes all acts violating Vietnam’s sovereign rights.”

Nanindigan naman si Department of Foreign Affairs spokesperson Teresita Daza na ang paglalagay ng buoys ng PCG ay karapatan ng bansa sa ilalim ng UN Convention on the Law of the Sea.

“They are meant to improve safety of navigation in our waters and should be of no cause for concern,” ani Daza. RNT/JGC

Previous articleMas mataas na speed limit sa mga expressway, inihihirit
Next article8 sa 10 Pinoy may tiwala sa PNP – OCTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here