Home NATIONWIDE China, PH nagpalitan ng radio challenge sa Ayungin resupply mission

China, PH nagpalitan ng radio challenge sa Ayungin resupply mission

MANILA, Philippines – Nagpalitan ng radio challenge ang Pilipinas at China sa kamakailang resupply mission para sa mga tropa ng sundalo sa Ayungin Shoal.

Sa video na ipinakita ng Philippine Coast Guard sa miyembro ng media, makikita ang China Coast Guard na nagsasabi sa mga sasakyang pandagat ng Pilipinas na ang Beijing ay may “hindi mapag-aalinlanganang soberanya…mula noong sinaunang panahon” sa Spratly Islands.

Sinabi ng PCG sa Chinese counterpart nito, “In accordance with international and Philippine laws, you are within Philippine exclusive economic zone.”

“Your actions will affect Philippines-China relations and will be reported to concerned authorities,” dagdag pa ng PCG.

Ang unang tatlong video clip ay nagpapakita ng mga radio challenges sa pagitan ng Pilipinas at China sa isang kamakailang resupply mission para sa mga tropang Pilipino.

Dumating ang PCG vessels sa Ayungin Shoal dalawang linggo matapos harangin ng China Coast Guard ships at bombahin ng water cannon at a similar resupply mission to the tiny garrison that prevented one of the boats from delivering its cargo.

“The routine follow-on Rotation and Resupply mission to the BRP Sierra Madre was successfully conducted today,” ayon sa National Task Force for the West Philippine Sea. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleChina ambassador tiwala kay Locsin bilang special envoy
Next articleAustralian envoy, Palawan gov sanib-pwersa sa pagpapalakas ng maritime security