Home NATIONWIDE China sa Ayungin Shoal incident: PCG ang pumasok sa teritoryo namin

China sa Ayungin Shoal incident: PCG ang pumasok sa teritoryo namin

192
0

MANILA, Philippines – Denepensahan ng tagapagsalita ng Chinese Foreign Ministry na si Wang Wenbin na ang ginawang mga maniobra ng kanilang mga sasakyang pandagat noong Hunyo 30 sa insidente sa Ayungin Shoal ay “professional and restrained.”

“In accordance with the law, the Chinese Coast Guard vessel carried out law enforcement activities to uphold China’s territorial sovereignty and maritime order. The Chinese side’s maneuvers were professional and restrained,” ani Wang.

Iginiit niya na ang Ren’ai Reef (Ayungin Shoal) ay bahagi ng Nansha Islands ng China, at idinagdag na ito ay ang mga sasakyang pandagat ng PCG na umano’y pumasok sa tubig ng China.

Noong Miyerkules, iniulat ng Philippine Coast Guard na ang mga barko ng China ay gumawa ng mga mapanganib na maniobra malapit sa mga sasakyang pandagat ng Pilipinas na maaaring magdulot ng banggaan.

Sinabi ng PCG na dalawang sasakyang pandagat ng Chinese Coast Guard na may numerong 5201 at 4203 ang gumawa ng “mapanganib na maniobra” malapit sa Ayungin Shoal noong Hunyo 30.

Ayon kay PCG spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela, ipinakalat na ng PCG ang mga sasakyang pandagat nito na BRP Malabrigo at BRP Malapascua para tumulong sa resupply mission ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa lugar.

Matapos ang insidente, isa pang CCG vessel na may body number 3103 ang pumunta sa Ayungin Shoal mula sa Bajo Masinloc para sa reinforcement ng dalawang CCG vessels.

Sinabi ni Tarriela na anim na Chinese maritime militia (CMM) vessels din ang dumagsa sa lugar at hinarangan ang barko ng Pilipinas sa pagpunta sa Ayungin Shoal.

Nakita din aniya sa lugar ang dalawang barkong pandigma ng People’s Liberation Army (PLA) Navy, 629 at 620.

Ang nasabing insidente ay kinondena at ikinabahala ng Amerika at ng Japan. RNT

Previous articleDND chief, China envoy nagkita pagkatapos ng ‘dangerous maneuvers’ incident sa Ayungin
Next articleZia marunong nang maglaba!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here