CHINA-STYLE LOCKDOWN IPATUPAD NA SA BANSA

CHINA-STYLE LOCKDOWN IPATUPAD NA SA BANSA

March 25, 2020 @ 1:51 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Kritiko ako ng China noon pa mang nagsisimula pa lang itong angkinin ang West Philippine Sea at ngayong tinayuan na ng kampo, airport at iba pang higanteng struktura at tinataboy pa ang mangingisdang mga Pinoy sa karagatang palibot dito.

Ang POGOS, pastillas payoffs, Chinese kidnappings, child prostitution at iba pang krimeng kinasasangkutan ng mga Tsinoy ay patunay lamang na siga sila sa ating bansa.

Sa Wuhan nagsimula ang ngayo’y pandemic na COVID-19 na patuloy na pumapatay sa Amerika, Italy at buong mundo at maging sa ating bansa na halos doble ang itinataas araw-araw sa nagkakaroon nito.

Dahil dito ay itinakda ni tatay Digong ang State of Public Health Emergency upang ipatupad ang drastic measures sa paglaban sa virus na ito dahil hindi epektibo ang kasalukuyang sistemang isinasagawa gobyerno.

Balikan natin ang China kung paano nito  contain o naharang ang paglaganap ng naturang virus at balik-normal na ang buhay ng mga nasasakupan nito ngayon.

Una, mahigpit na pagpatupad ng lockdown kung saan ikinulong sa kanilang bahay ang mga tao na walang nakalalabas at mismong state police ang naghahatid ng pagkain at iba pang pangangailangan dito.

Sa Pinas naman, may nagpapatupada na kapitan, may umiinum sa kalye kahit curfew na sa gabi at may naglalaro pa ng basketball na para bang ordinaryong araw samantalang nagpa-panic na ang sanlibutan sa pandemic na ito.

Pangalawa, tunay na paghihigpit sa social distancing na maging ang mga Tsinoy na nagsasagawa ng checkpoint ay kumpleto sa protective mask na mistulang mga astronaut at halos 100 metro ang layo sa isa’t isa.

Sa atin naman, suot nga ang face mask ngunit nagbabanggaan naman kung namimili sa palengke.

Pangatlo,nagawa ng China ang COVID testing sa mga tao kahit sila ang most populated country sa mundo.

Kailangang ipatupad na ito sa Pinas ngayon dahil kung hindi mamumulot tayo ng mga patay sa kalsada kaugnay sa virus na ito.

 

 

Share

Leave a Reply

Loading...