Home HOME BANNER STORY Chinese citizens sa POGO na may PH birth certificate, LGU IDs, nakaaalarma...

Chinese citizens sa POGO na may PH birth certificate, LGU IDs, nakaaalarma – Hontiveros

MANILA, Philippines- Lubhang naalarma si Senador Risa Hontiveros sa Chinese citizens na nakakuha ng birth certificates ng Pilipinas sa pamamagitan ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs), gamit ang ID ng local government units upang makakuha ng Philippine passports.

Pinangunahan ni Hontiveros ang pagdinig sa loob ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub Smart Web Technology sa Pasay City, nitong November 10, 2023 kung saan kanyang kinuwestiyon ang ilang ahensya ng pamahalaan hinggil sa naturang isyu.

“Bakit kailangan nitong mga Chinese na i-peke ang nasyonalidad nila para maging Pilipino dito sa bansa? If their only motive is to work, they can do so by applying for alien employment permits. Why the need to cover up their nationality to become Filipino? This makes us ask: Are POGOs being used as conduits to allow enemy forces and their spies into our country?” tanong niya.

“Maybe POGO and scam hubs are not the end game. Maybe the end game is to infiltrate our borders and weaken our national security, with our own Filipino officials as enablers,” dagdag ng senadora.

Sa pagdinig, nagpahayag ng lubhang pagkabahala ang mambabatas hinggil sa ID na naibigay sa mga Chinese citizens tulad ng TIN ID, PhilHealth ID, Alien Certificate of Registration, Alien Employment Permit, at Police Clearance ID — na pawang nagtatrabaho sa Smart Web Technology, na nilusob ng awtoridad kamakailan sa Pasay City.

“Buti pa pala ang mga Chinese, kahit hindi na pumila, nabibigyan ng ID. Ang mga pagkuha ng ID na ito ang nagiging daan daw nila para maging legal na residente sa Pilipinas at magkaroon ng Philippine passport. Ang mas masakit na tanong: May mga kasabwat ba sila sa loob ng mga ahensya ng gobyerno,” aniya.

“Considering our current dispute in the West Philippine Sea, it is alarming that we are giving an all-access pass to our country to Chinese citizens through these POGO hubs,” dagdag ni Hontiveros.

Binanggit din ng senador ang natuklasan sa nakaraang imbestigasyon na mayroon mga puganteng Chinese ang nagtatago sa kompanya ng POGO na nakapasok ng bansa dahil peke ang mga ID bukod sa nakalulusot sa Bureau of Immigration (BI).

“I find it very problematic na basta-basta nalang tayo namimigay ng ID, lalo na nalaman natin noong mga nakaraang hearings na basta-basta lang napupuslit dito sa Pilipinas yung mga magiging workers ng POGO These IDs legitimize their status here in the Philippines,” ayon kay Hontiveros.

“Ang isang matinding problema dito ay baka ang binibigyan natin ng identity ay mga fugitives sa ibang bansa. May nauna na tayong nabalitaan diyan. Nagtatago mula sa mga sala sa China at Myanmar, at dito tumakbo ,” dagdag ng mambabatas.

Dahil dito, muling nanawagan si Hontiveros sa Palasyo na kaagad palayasin ang lahat ng POGO upang protektahan ang pambansang seguridad.

“Dapat i-ban na ni Presidente ang mga POGO. Kung totoong gusto niyang depensahan ang bansa natin laban sa mga nambabastos sa ating soberanya, isama niya na ang buong industriya ng online gambling sa mga pinapalayas sa ating teritoryo, ayon sa senador. Ernie Reyes

Previous article3 dinukot na Chinese nationals nasagip!
Next articleSanib-Pwersa: Filipino, Korean casts nagbahagi ng karanasan sa ‘Ma’am Chief: Shakedown in Seoul’