Home NATIONWIDE Chinese Embassy exec ipinatawag ng DFA sa insidente sa Ayungin

Chinese Embassy exec ipinatawag ng DFA sa insidente sa Ayungin

MANILA, Philippines – Ipinatawag ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Lunes, Marso 25 ang chargé d’affaires ng Chinese Embassy kasunod ng mga ginawa ng China Coast Guard (CCG) sa mga barko ng Pilipinas sa pinakahuling rotation and resupply (RoRe) mission sa Ayungin Shoal.

Sa pahayag, sinabi ni DFA spokesperson Ma. Teresita Daza na ipinatawag nila ang Chinese chargé d’affaires upang “convey the Philippines’ strong protest against the aggressive actions” na ginawa ng CCG at Chinese maritime militia.

Ani Daza, inatasan na rin ang Philippine Embassy sa Beijing na ipatupad ang kaparehong aksyon sa Chinese Ministry of Foreign Affairs.

“In these demarches, the Philippines stressed, among others, that China has no right to be in Ayungin Shoal, a low-tide elevation that lies within the Philippines’ exclusive economic zone and continental shelf in accordance with the 1982 UNCLOS and as affirmed by the 2016 Arbitral Award,” anang opisyal.

“China’s continued interference with the Philippines’ routine and lawful activities in its own exclusive economic zone is unacceptable. It infringes upon the Philippines’ sovereign rights and jurisdiction.”

Nitong Marso 23, iniulat ng Armed Forces of the Philippines na nagsagawa ang CCG ng mapanganib na maneuver sa barko ng Pilipinas.

Nagtamo ng matinding pinsala ang Unaizah May 4 (UM4) na nagdadala ng mga suplay para sa mga tropang Pinoy sa Ayungin Shoal matapos na bombahin ng water cannon ng dalawang barko ng CCG.

Tatlong tauhan ng Philippine Navy ang nasaktan sa insidente, ayon kay National Security Adviser Eduardo Ano. RNT/JGC

Previous articleNumber coding sa Huwebes Santo, Biyernes Santo suspendido
Next articleMeralco spox Joe Zaldarriaga nanumpa bilang bagong miyembro ng CAMI