Home HOME BANNER STORY Chinese envoy ipinatawag ng DFA sa banggaan sa Ayungin

Chinese envoy ipinatawag ng DFA sa banggaan sa Ayungin

MANILA, Philippines – Ipinatawag ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Chinese ambassador to the Philippines kasunod ng pagbangga ng barko ng China Coast Guard (CCG) sa resupply boat ng Pilipinas sa Ayungin Shoal.

“We are making full use of diplomatic processes and are exercising all possible actions available to us, that includes summoning the Chinese ambassador this morning,” pahayag ni DFA spokesperson Teresita Daza nitong Lunes, Oktubre 23.

Si Chinese Ambassador Huang Xillian ay wala sa Manila kung kaya’t inirepresenta na muna ito ng deputy chief of mission ng embahada, kung saan nakipagkita ito kay Assistant Secretary for Asia Pacific Affairs Aileen Mendiola-Rau sa opisina ng DFA.

Nang tanungin kung ano ang tugon ng Chinese representative sa naturang pagpupulong, sinabi ni Daza na wala pa itong impormasyon sa ngayon.

“I was just informed that the meeting was held and whom met with whom. But in terms of more details, I don’t have it,” ani Daza.

“But it would be safe to assume that they will repeat the narrative in terms of what they have been sharing to the media,” dagdag pa niya.

Sa inihaing diplomatic protest, inisa-isa ng Pilipinas ang mga paglabag ng CCG sa pagbangga nito sa dalawang barko ng Pilipinas kasabay ng pagpapahayag ng pagkadismaya sa insidente.

“We have every right to carry out legitimate activities in our maritime zones. We do not accept any form of interference,” ani Daza, sabay-sabing ang China na isang malaking bansa, ay dapat sanang nag-aambag sa kapayapaan at katatagan sa rehiyon.

Mula noong 2020, nasa kabuuang 465 diplomatic protests na ang inihain ng Pilipinas laban sa China, 122 sa mga ito ang inihain sa ilalim ng administrasyong Marcos.

Samantala, sa press conference, sinaabi ni National Security Council (NSC) spokesperson Jonathan Malaya na ang tangkang pagharang ng China sa resupply mission ng Pilipinas ay nagresulta sa pagkakasira ng isa sa mga bangka ng bansa. RNT/JGC

Previous articlePagpapaangat ng kalidad ng edukasyon, management sa LUCs ikinasa sa Senado
Next articleDiplomatic protest inihain laban sa China sa WPS collision