Home METRO Chinese fishing vessel naharang sa Tawi-Tawi

Chinese fishing vessel naharang sa Tawi-Tawi

ZAMBOANGA CITY, Zamboanga del Sur- Naharang ang isang Chinese fishing vessel halos 20 nautical miles northwest ng bayan ng Sanga-Sanga, sa lalawigan ng Tawi-Tawi noong Miyerkules ng tanghali, ayon sa naval authorities.

Sinabi ni Lieutenant Chester Cabaltera, tagapagsalita ng Naval Forces Western Mindanao (NFWM), resulta ito ng pagpapaigting nila ng maritime patrols at defense operations sa borders ng bansa.

“They were not caught fishing, they were just passing by the area. Initially they were not responsive to radio communication but an hour later, they responded and allowed our personnel to inspect the boat,” wika ni Cabaltera.

Ang fishing vessel ay may marking ng F/V Cheung Kam Wing. Mayroong apat na mangingisdang Chinese na sakay nito at sinabing galing sila sa Indonesia at patungong Hong Kong.

Nadiskubre ang mga isda tulad ng sardinella (tamban) sa loob ng ice cases at frozen storage ng Chinese fishing vessel FV Cheung Kam Wing.

Nagsagawa ang NFWM ng inspection procedures sa vessel at walang natukoy na paglabag o iregularidad. Pinayagan ang fishing vessel na ipagpatuloy ang paglalayag nito subalit binantayan upang matiyak ang kaligtasan at seguridad sa lugar, base kay Cabaltera.

“Upon inspection of the boat, nothing unusual or illegal was found inside. There were fish inside ice cases,” giit ni Cabaltera. RNT/SA