Home METRO Chinese na wanted sa physical abuse dinakma sa Pasay

Chinese na wanted sa physical abuse dinakma sa Pasay

257
0

MANILA, Philippines – Arestado ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ang isang Tsino na wanted sa kasong physical abuse nitong Lunes, Mayo 22.

Kinilala ni Pasay City police chief P/Col. Froilan Uy ang dinakip na suspect na si Wei Lei, 34.

Ayon kay Uy, dinakip si Lei dakong ala 1:00 ng hapon sa Pasadena Street, Barangay 70, Pasay City.

Sinabi ni Uy na ang mga tauhan ng WSS ang nagsasagawa ng manhunt operation laban sa mga wanted persons na nagresulta sa pagkakaaresto ni Lei.

Idinagdag pa ni Uy na dinakip si Lei sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Family Court Presiding Judge Jehan Bautista Sampao-Hassiman ng Branch 11 dahil sa paglabag sa Republic Act No. 9262 o ang “Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004.”

Ang inisyung warrant of arrest ni Lei na inisyu ng korte noong Marso 10, 2023 ay may kaakibat na rekomendasyon na piyansang P2,000 para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.

Makaraan ng kanyang pagkakaaresto ay agad na dinala si Lei sa custodial facility ng Pasay City police kung saan ito kasalukuyang nakapiit. James I. Catapusan

Previous articleDBM naglabas ng dagdag na P3B sa pagbili ng 6 pang Navy patrol vessels
Next article1 patay, 1 sugatan sa suwagan ng dalawang motorsiklo

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here