Home NATIONWIDE Chinese national nasagip sa mga kidnapper, 3 Pinoy dawit sa pandurukot

Chinese national nasagip sa mga kidnapper, 3 Pinoy dawit sa pandurukot

MANILA, Philippines – Nasagip ng mga tauhan ng PNP Anti-Kidnapping Group ang dinukot na negosyanteng Chinese sa Barangay Putatan, Muntinlupa.

Kasabay nito ay naaresto naman ang 3 Pinoy na sangkot sa pagdukot sa dayuhan.

Ayon sa imbestigasyon, Huwebes nang umalis sa tinutuluyang hotel sa Parañaque City ang biktima at nagpunta sa Pampanga.

Sinabi naman ng nagsumbong sa mga pulis na nakatanggap umano siya ng tawag mula sa WeChat account ng biktima at hinihingan siya ng mga kidnapper ng P3.5 milyon.

Nasa headquarters na ng PNP-AKG ang 3 suspek at inihahanda ang isasampang reklamo laban sa mga ito. RNT/JGC

Previous articleAlden at DJ, panis kay Joshua sa endorsements!
Next articleP7M alahas tinangay ng dating houseboy