Home METRO Chinese national timbog sa baril

Chinese national timbog sa baril

MANILA, Philippines- Arestado ang isang Chinese national makaraang mahulihan ito ng dalawang mataas na kalibre ng baril sa Paranaque City madaling araw ng Miyerkules (Disyembre 20).

Kinilala ni Paranaque City police chief P/Col. Reycon Garduque ang nadakip na Chinese national sa alyas lamang na “Jung.”

Base sa report na isinumite ni Garduque sa Southern Police District (SPD), naganap ang pagdakip kay Jung dakong alas-12:50 ng madaling araw sa harap ng isang hotel na matatagpuan sa Macapagal Boulevard, Barangay Don Galo, ParaƱaque City.

Napag-alaman na naisagawa ang pag-aresto sa suspek matapos humingi ng responde ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na nakakita kay Jung na may hawak ng baril habang nasa loob ng kanyang minamanehong pickup truck.

Sa pagresponde ng mga miyembro ng Sto. Nino Substation ng Paranaque City police sa lugar ay kitang-kita ng mga pulis ang paghagis ng kanyang hawak na baril sa likurang bahagi ng kanyang sasakyan.

Sa pagsasagawa ng inspeksyon sa sasakyan ng suspek ay nakakuha operatiba ng dalawang kalibre .45 pistola na kargado ng 13 bala.

Kasalukuyang nakapiit si Jung sa ParaƱaque police custodial facility habang nahaharap itp sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. James I. Catapusan

Previous articleMIAA: Pagpapahusay sa NAIA ops prayoridad
Next article594 pasado sa Dec. 2023 chemists licensure exams; 2,600 bagong chemical technicians