MANILA, Philippines- Naaresto ang isang Chinese national sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 nitong Huwebes matapos magtago ng dalawang bala at isang sachet ng hinihinalang iligal na droga sa kanyang sapatos.
Nadiskubre ng Office for Transportation Security (OTS) personnel ang live bullets at droga mula sa pasahero sa routine security screening procedure para sa departing passengers ng China Southern flight patungong Guangzhou.
Inilagay ang kontrabando sa hidden compartment ng sapatos ng indibidwal.
Sinabi ng tauhan na tila kinakabahan ang pasahero pagpasok niya sa security check.
Ininspeksyon ng mga tauhan ang sapatos nito kung saan nabuking nag live ammunition at sachet ng hinihinalang iligal na droga.
Itinurn-over ng OTS ang nasabat na ammunition at suspected illegal drugs sa PNP Aviation Security Group at sa Philippine Drug Enforcement Agency para sa imbestigasyon at legal na aksyon.
Noong Hulyo, ginawang mandatoryo ng OTS ang shoe removal policy sa security checks sa airports.
Hinikayat naman nito ang publiko na na magsuot ng sapatos na madaling alisin “to avoid complex lacing or buckling to expedite the screeening process.” RNT/SA