MANILA, Philippines – INARESTO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Chinese national na matagal nang wanted dahil sa pagiging overstaying nito at ilegal na pagtatrabaho sa bansa.
Sa ulat kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, kinilala ni BI intelligence chief Fortunato Manahan Jr. ang dayuhan na si Zheng Zongyi, 30, na naaresto noong Mayo 10 sa labas ng kanyang pinagtatrabahuan sa central business district sa Makati City.
Sinabi ni Manahan na si Zheng ay nasa wanted list ng BI mula pa noong 2021 nang malaman na hindi na siya umaalis mula nang huli siyang dumating sa bansa noong Nobyembre 22, 2019.
“Investigation also revealed that Zheng violated the conditions of his stay as a tourist for engaging in gainful employment here without bothering to apply for a work permit and visa,” ani Manahan.
Advertisement