Home METRO Chinese nat’l na iligal na namumuhay sa bansa, arestado ng BI

Chinese nat’l na iligal na namumuhay sa bansa, arestado ng BI

MANILA, Philippines – INARESTO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Chinese national na matagal nang wanted dahil sa pagiging overstaying nito at ilegal na pagtatrabaho sa bansa.

Sa ulat kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, kinilala ni BI intelligence chief Fortunato Manahan Jr. ang dayuhan na si Zheng Zongyi, 30, na naaresto noong Mayo 10 sa labas ng kanyang pinagtatrabahuan sa central business district sa Makati City.

Sinabi ni Manahan na si Zheng ay nasa wanted list ng BI mula pa noong 2021 nang malaman na hindi na siya umaalis mula nang huli siyang dumating sa bansa noong Nobyembre 22, 2019.

“Investigation also revealed that Zheng violated the conditions of his stay as a tourist for engaging in gainful employment here without bothering to apply for a work permit and visa,” ani Manahan.

Dahil dito, agad na iniutos ni Tansingco ang pagsasagawa ng deportation proceedings laban sa nasabing Chinese national na inilarawan niya bilang undesirable dahil sa tahasang paglabag sa Philippine immigration laws.

“Aliens who deliberately violate our laws do not deserve the privilege to stay in our country. They should be sent out and perpetually banned from coming here again,” giit ng BI chief.

Nakakulong ngayon si Zheng sa BI warden facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang nakabinbin ang deportation proceedings nito. JAY Reyes

Previous article75 bagong immigration officers, nakapagtapos na sa BI Academy
Next articleMga pulis na sangkot sa 990-kg shabu haul, mga walang bayag! – Dela Rosa

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here