Home METRO Chinese patay sa bumanggang motorsiklo sa nakaparadang trak

Chinese patay sa bumanggang motorsiklo sa nakaparadang trak

264
0

MANILA, Philippines – Patay ang isang Chinese national habang sugatan naman ang kasama nito nang bumunggo ang minamaneho nitong motorsiklo sa nakaparadang dump truck sa Teresa, Rizal.

Sa ulat ng Region 4A Police, binabagtas nina He Tingyi at Geng Haowen sakay ng motorsiklo ang Pantay Road bandang ala-1:30 ng madaling araw nang sumalpok ito sa nakaparadang dump truck sa gilid ng kalsada sa Barangay Dalig.

Dahil sa matinding impact, nagtamo ng matinding pinsala sa katawan si Haowen na agad nitong ikinamatay habang isinugod naman sa ospital si Tingyi.

Hindi naman tinukoy sa report kung mayroon bang early warning device o reflectorized ang nakaparadang truck. RNT/JGC

Previous articleFENTANYL AT PINAS NA DALUYAN NG DROGA
Next articleKaso ng leptospirosis sa Iloilo lumobo ng 296%

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here