Home NATIONWIDE Chinese vessel pumasok sa teritoryo ng Japan

Chinese vessel pumasok sa teritoryo ng Japan

139
0
@‰«“ꌧEëŠt”“‡Žü•ӂ̐ڑ±…ˆæ‚ðqs‚µ‚½A‚V‚Uƒ~ƒŠ–C‚𓋍ڂµ‚½’†‘ŠCŒx‹Ç‚ÌŠÍ‘Di‘æ‚P‚PŠÇ‹æŠCã•ÛˆÀ–{•”’ñ‹Ÿj

ANKARA – Sinabi ng Japan nitong Linggo na pinasok ng Chinese navy survey vessel ang territorial waters nito malapit sa mga isla sa southwestern prefecture ng Kagoshima, sa pinakabagong kumpirmadong sighting ng Chinese ships sa lugar mula December 2022.

Batay sa Defense Ministry, iniulat ng Kyodo News Agency na dumaan ang survey ship sa katubigan ng Japan mula southwest ng Yakushima Island bandang alas-2:30 ng madaling araw.

Ayon sa ministry, ito ang ika-pitong pagpasok ng Chinese survey vessel sa katubigan ng Kagoshima mula November 2021.

Inihayag ng Tokyo ang pagkabahala hinggil dito sa pamamagitan ng “diplomatic channels,” base sa ministry.

Madalas na inaakusahan ng Tokyo ang Chinese vessels ng paulit-ulit na paglabag sa territorial waters nito, partikular malapit sa Senkaku Islands, grupo ng East China Sea islets na kinokontrol ng Japan subalit inaangkin ng China sa ilalim ng pangalang Diaoyu.

Sa kasalukuyan ay wala pang komento ang Beijing hinggil dito.

Karaniwang ginagamit ang survey vessels para magsagawa ng research, gaya ng pagtukoy ng underwater topography para sa submarine navigation. RNT/SA

Previous article‘Kalye Pag-ibig’ binuksan sa Navotas
Next articlePinas magbibigay ng $100,000 tulong sa Turkey quake victims