Chinese woman, nagpadala ng tone-toneladang sibuyas sa ex-BF

Chinese woman, nagpadala ng tone-toneladang sibuyas sa ex-BF

May 22, 2020 @ 1:49 PM 6 days ago

  •  
  •  
  •  
Share

China – Pinadalhan ng isang babaeng Chinese ng revenge gift ang kanyang ex-lover na nakipaghiwalay sa kanya bago sumapit ang Chinese Valentine’s Day.

Sa mismong pintuan ay ipinahatid nito ang truckload ng sibuyas para umano magdulot ng luha sa kanyang ex-boyfriend.

“I cried for 3 days, and now it’s your turn!” ani Zhao sa isang note.

“It caused me a lot of pain, but he refused to cry!” dagdag pa nito.

“Money is nothing. But the feelings between two people are precious. I can’t be the only one crying.”

May tatlong magkakaibang Araw ng mga Puso sa China.

Tuwing February 14, July, at sa May 20. RNT/FGDC

Share

Leave a Reply

Loading...