Manila, Philippines – Hindi napigilan ng Vivamax sexy star na si Chloe Jenna ang maiyak pagkatapos ng special screening at mediacon ng kanyang launching movie na Ligaw na Bulaklak.
Pinuri kasi siya sa kanyang performance sa pelikula na idinirek ng singer-actor na si Jeffrey Hidalgo.
Natanong si Direk Jeffrey kung ano ang masasabi niya sa mga bashers na nagkomento na kinopya lang nila ang Hollywood film na Misery na pinagbidahan noon ni Kathy Bates.
“We don’t hide na it’s inspired by ‘Misery’. It’s actually a homage to ‘Misery’ but, if you’d notice, marami na kaming binago.
“For one, the ending is totally different from ‘Misery’. Tapos, may back story yung character ni Chloe along with Jeric Raval, who plays a mysterious mute man in her life.
“A movie is just like a song. Maraming paulit-ulit na melodies and the difference na lang is in the treatment and execution,” aniya pa.
Sa tanong naman kung ano ang mas love ngayon ni Jeffrey, singing, acting o directing, “Right now, given the choice, directing is really on top of the priorities in what I enjoy doing.
“I find much more satisfaction in filmmaking,” sey pa ni Jeffrey.
Kasama ni Chloe sa pinakabagong psycho-sexy thriller Vivamax Original Movie ang hunk actor na si Aaron Villaflor na markado rin ang akting sa pelikula.
Hindi lang basta naghubad at nakipag-love scene si Chloe sa Ligaw Na Bulaklak dahil talagang ipinakita niya na may ibubuga rin siya sa akting.
Sa kuwento ng movie, isang hunk actor ang maaaksidente na isasalba ng lalaking may kapansanan at kahina-hinalang babae na maraming nalalaman tungkol sa pagkatao niya.
Kasama sa pelikula si Sheila Snow at Jeric Raval.
Streaming na ang Ligaw na Bulaklak sa Vivamax ngayong September 22, 2023. JP Ignacio