Home NATIONWIDE Chocolate Hills resort binigyan ng building permit ng LGU; walang ECC mula...

Chocolate Hills resort binigyan ng building permit ng LGU; walang ECC mula sa EMB

MANILA, Philippines- Sinabi ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Antonia Yulo-Loyzaga na hindi kailanman binigyan ng Environmental Management Bureau (EMB) ng Environmental Compliance Certificate (ECC) ang may-ari ng resort na itinayo sa loob ng bisinidad ng Chocolate Hills sa Bohol.

Gayunman, nagawa pa ring makakuha ng building permit ng may-ayri ng Captain’s Peak Garden and Resort at permit to operate mula sa Sagbayan municipality.

“We discovered that the building permit started to be issued in 2020, and definitely walang ECC at that point, and subsequently in 2022. So, tuloy tuloy ang construction nila because they actually had a building permit from the local government habang wala pang ECC,” ayon kay Loyzaga.

“Secondly, they were also granted a business permit, and so what we need to do is to work very closely with the local government unitskasi kung sino ang binibigyan ng business permit, then kailangan naman sana na i-confirm na may tamang permiso , being in a protected area,” dagdag na wika nito.

Paliwanag naman ni DENR Undersecretary for Field Operations and Environment Juan Miguel Cuna, ang may-ari ng resort ay nakakuha ng resolusyon mula sa Protected Area Management Board (PAMB) na inendorso ang proyekto noong 2020.

Gayunman, sinabi nito na isa sa mga tiyak na kondisyon na ibinigay ng PAMB sa resort owner ay ang makakuha ng ECC bago pa ang anumang aktibidad kabilang na rito ang konstruksyon.

Taong 2022, muling humingi ang resort owner ng endorsement mula sa PAMB, sa pamamagitan ng resolusyon dahil inilipat nila ang lugar ng kanilang panukalang proyekto.

Muling nakakuha ang mga ito ng PAMB resolution na ineendorso ang proyekto sa kondisyong kukuha sila ng ECC bago magsagawa ng anumang aktibidad.

“So clearly they were well aware of the requirement to get an ECC,” giit ni Cuna.

Setyembre noog nakaraang taon, natuklasan ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) na ang konstruksyon ay walang ECC at nabigyan ng notice of violation, kabilang na ng request to stop operation.

Ani Cuna, dahil sa pangyayaring iyon ay kagyat na nag-apply ang may-ari ng resort para sa ECC, subalit hindi nagawang makapagsumite ng ng kompletong dokumento.

“They continued to operate and in fact, they actually wrote the PENRO requesting for the lifting of the order, since they had already applied for an ECC, which the PENRO denied, since the ECC itself had not been issued yet,” ayon kay Cuna.

Nito lamang Enero ng taong kasalukuyan, nagpalabas naman ang EMB Region 7 ng notice of violation para kakulangan ng ECC.

Samantala, nito lamang araw ng Huwebes, isang joint cease and desist order ang ipinalabas upang masiguro na ang resort, na nag-viral sa social media post ng isang vlogger, ay hindi na nagsasagawa ng operasyon.

“We are monitoring the Captain’s Peak to ensure that they remain closed and not open for operations,” ayon kay Cuna. Kris Jose

Previous article‘No-permit-no-exam’ policy bawal na
Next articleRape suspect timbog sa manhunt ops