Home NATIONWIDE Chocolate Hills resort tatalupan ng DILG Task Force

Chocolate Hills resort tatalupan ng DILG Task Force

MANILA, Philippines- Bumuo ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ng task force na tututok sa posibleng pananagutan ng mga local government official sa pagtatayo ng resort sa protektadong Chocolate Hills sa Bohol.

Tututukan ng special investigation team ang mga usapin na nakapalibot sa konstruksyon ng kontrobersyal na resort sa Chocolate Hills.

Ang Chocolate Hills ng Bohol ay isang UNESCO World Heritage Site at isang protected area sa ilalim ng Proclamation No. 1037 Series of 1997 at National Integrated Protected Areas System (NIPAS) Act of 1992.

“Should there be neglect of duty or any other irregularity on the part of the officials tasked with protecting and overseeing the area, we will not hesitate to pursue appropriate legal actions,” ayon kay DILG Secretary Benhur Abalos sa isang kalatas.

Sa ulat, sarado na ang kontro­bersyal na resort na itinayo sa Chocolate Hills sa Bohol subalit iginiit ng pamunuan ng Captain’s Peak Garden and Resort na sumunod sila sa mga patakaran na itinakda ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Sa pagsasara nito, sinabi pa ng resort na magpapatupad ito ng “eco-friendly initiatives” upang mapanatili ang sustainability nito.

Samantala, maraming posibleng ikaso sa naturang establisimyento bukod pa sa pag-operate nang walang EEC kahit Setyembre 2023 pa merong temporary closure order.

Sinabi ni DENR Undersecretary for Field Operations and Environment Juan Miguel Cuna na may parusa at kaukulang multa ang konstruksyon nang walang EEC, pag-discharge ng tubig nang walang permit, pagtatayo ng deep well nang walang permiso mula sa National Water Resources Board (NWRB), atbp.

“And then under the [Expanded National Integrated Protected Areas System] Law, ‘yun ang mabigat. For criminal liability, may mga penalty po siya and it’s not small,” dagdag pa ng DENR official.

“Minimum of P1 million to P5 million maximum for a criminal liability. At meron pong karagdagang a minimum of six years to a maximum of 12 years imprisonment for putting up structures without the appropriate permits within the protected area.”

Meron din aniyang administrative fines na maaaring ipataw, na nasa P15,000 hanggang P5 milyon.

Nang tanungin kung pwedeng makabalik sa operasyon ang resort, ito na lamang ang nabanggit ni Cuna.

“Pag-aaralan ng husto kung we will continue to process their ECC. Dahil nga po in the interim, last year, May 24, na-declare na po ng UNESCO as a geopark itong Chocolate Hills,” sabi niya.

“So titignan po natin, pag-aaralan ng husto, kung talagang angkop pa ang facility na ito sa loob ng Chocolate Hills,” patuloy ng opisyal.

Binatikos nang husto ang nasabing establisimyento online.

Hindi na rin naiwasang punahin ito ng ilang Filipino celebrities, lalo na’t “nababoy” umano ang world-renowned geological formation. Kris Jose

Previous article#WalangTubig sa ilang lugar sa QC sa March 19-22
Next articleSikat na vlogger inireklamo ng syndicated estafa