MANILA, Philippines – Isang putol-putol na bahagi ng katawan ng tao ang natagpuan sa magkakahiwalay na lugar sa General Trias, Cavite.
Sa report, unang nakita ang isang putol na kanang paa ng isang tao dakong ala-1:50 Lunes ng hapon sa Bacao River sa Brgy Bacao 1, Gen Trias City Cavite na nadiskubre ng mga batang naliligo sa ulan.
Sumunod naman na natagpuan ng isa pang putol na katawan (torso) ng isang tao ng sunod na araw dakong alas-5:00 ng hapon sa isang madamong lugar sa Open Canal sa Brgy Pasong Camachile 2, Gen Trias City, Cavite.
Base sa pag iimbestiga ng pulisya, inaalam pa kung iisang tao ang nagmamay-ari ng paa at katawan na unang nadiskubre at tinitingnan din nila ang posibilidad na inanod ang nasabing mga putol na bahagi ng katawan dahil sa patuloy na pag-ulan dulot ng nagdaang bagyo.
Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng pulisya sa mga kalapit na lugar para mahanap pa ang Ilan pang bahagi ng katawan at para malaman na rin kung sino ang biktima. Margie Bautista