Home NATIONWIDE CHR handang makipagtulungan sa ICC sa PH drug war probe

CHR handang makipagtulungan sa ICC sa PH drug war probe

MANILA, Philippines- Handa ang Commission on Human Rights (CHR) na makipagtulungan sa International Criminal Court (ICC) sa imbestigasyon nito sa  drug war sa Pilipinas sa ilalim ng liderato ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Gayunman, wala namang ideya at hindi pa alam ni CHR chair Richard Palpal-Latoc kung anong ‘specific cases’ ang titingnan ng ICC.

Bukod dito, hindi pa hinihingi ng ICC ang tulong ng komisyon kaugnay sa kahit na anumang kaso.

Ang huling kaganapan hinggil sa ICC ay nang magbotohan ang Appeals Chamber nito noong Hulyo 18 kung saan  lumabas na 3-2 ang nakuhang boto, na bumabasura sa apela ng gobyerno ng Pilipinas na itigil ang imbestigasyon sa drug war.

Pinagtibay ng ruling ang nauna nitong desisyon noong Enero sa pamamagitan ng Pre-Trial Camber na payagan ang imbestigasyon ukol sa drug war, kahit pa hayagan ang pagturing ng gobyerno ng Pilipinas na kawalan ng kahandaan nito na imbestigahan o usigin umano’y mga krimen.

Dahil sa desisyon, nagbukas ng bagong yugto sa drug war case, nabigyan ng pagkakataon si ICC Chief Prosecutor Karim Khan na isulong ang pag-uusig sa ilang indibidwal.

“If Khan pursues charges, these could fall on Duterte and his Philippine National Police (PNP) chief at the height of the drug war, Sen. Ronald dela Rosa,” ayon kay human rights lawyer Neri Colmenares.

Sinabi naman ni Palpal-Latoc na, “If the ICC will request us to help them (provide) the evidence we have gathered in the cases, we have already investigated, we can share it.”

“If our participation would help find a solution to the problem of human tights affecting Filipinos, we wil perform our mandate,” dagdag na wika nito sabay sabing, “We have an independent mandate to look into human rights concerns of the Filipinos here and abroad.” Kris Jose

Previous articleKelot na umakyat sa billboard frame, nasagip
Next articleSanggol patay sa sunog