Home HOME BANNER STORY CHR sa pamahalaan: Posibleng income loss sa PUV modernization, solusyunan!

CHR sa pamahalaan: Posibleng income loss sa PUV modernization, solusyunan!

MANILA, Philippines – Nanawagan ang Commission on Human Rights (CHR) sa pamahalaan na magbigay ng nararapat na subsidiya at solusyon sa posibilidad ng income loss sa mga tsuper at operator dahil sa Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program.

Ang panawagan na ito ng CHR ay kasunod ng paninindigan ng Land Transportation, Regulatory and Franchising Board (LTFRB) sa kanilang desisyon na huwag nang payagan makabiyahe ang mga jeepney na hindi makakapag-consolidate sa kooperatiba o transport service entity pagsapit ng Enero 31.

“The Commission calls on the government, particularly the relevant agencies, to take appropriate steps to address the issue of potential income loss among affected operators. Adhering strictly to rigid consolidation deadlines may jeopardize PUV operators’ right to a sustainable livelihood,” saad sa pahayag ng CHR.

“Furthermore, it is the State’s responsibility to efficiently subsidised the program, develop an effective communication strategy for the general public, and make the implementing rules and regulations of PUVMP more understandable,” dagdag pa niya.

Ang PUV Modernization Program, na nagsimula noong 2017, ay nagmamandato sa paggamit ng Euro 4 engine vehicles na tinatawag na modern jeepney, ay nagkakahalaga ng P1.6 milyon hanggang P2.8 milyon kada unit.

Sa nasabing halaga, 10% lamang ang kayang bigyan ng pamahalaan ng subsidiya.

Bagama’t kayang makagawa ng local manufacturers ng modern jeep na nagkakahalaga ng P980,000, hindi pa tukoy kung pasok ba ang mga ito sa 54 accredited manufacturers ng Department of Transportation para sa PUV modernization.

Nauna nang sinabi ng LTFRB na kailangang maglabas ng operator ng P25,000 kada buwan sa loob ng pitong taon para lamang mabayaran ang modern jeep na nagkakahalaga ng P1.6 milyon, habang P40,000 kada buwan naman sa loob ng pitong taon para sa modern jeep unit na nagkakahalaga ng P2.8 milyon.

“The Commission respects the government’s prerogative to make our PUVs more safe and environmentally friendly on the road. We recognise the importance of transitioning to a more sustainable and safer mode of transportation as it encompasses the very essence of the right to freedom of movement. On the other hand, the Commission believes that genuine progress is inclusive and leaves no one behind,” ayon sa CHR.

Anang komisyon, ang mga problemang ito kapag hindi natugunan ay magreresulta sa mga strike, tigil-pasada at protesta. RNT/JGC

Previous articlePH squad swak sa semis ng Predator League
Next articleFlash flood victims sa Sarangani, inayudahan ni Bong Go