Home ENTERTAINMENT Christian, naglibot sa mga sinehan!

Christian, naglibot sa mga sinehan!

Manila, Philippines- Ipinagmalaki ng BMC Productions ni sir Benjie Cabrera na nakikipag-cooperate naman si Christian Bables sa promo ng Metro Manila Film Festival entry na Brokenhearts Trip.

Fact is, ayon kay sir Benjie ay naglibot daw sa iba’t-ibang sinehan si Christiian nu’ng araw ng Pasko para sa kanyang theater tour.

Naging visible daw naman si Christian sa mga sinehan at pinagkaguhan din ng mga tao na nakatulong upang mahikayat ang mga moviegoers na manood ng Brokenhearts Trip na palabas pa rin ngayon.

Malaking bagay kasi talaga kapag ang main star ng pelikula na kasali sa MMFF ay naglilibot sa opening day para personal na makita at makahalubilo ang mga moviegoers na sumusuporta sa kanyang pelikula.

Walang nakuhant award ang Brokenhearts Trip sa nakaraang Gabi ng Parangal ngunit in full spirit pa rin ang producer na si sir Benjie at pati na rin ang mga cast.

Hindi lang swak sa LGBTQIA+ community ang Brokenhearts Trip dahil maganda at nakakaaliw ang pelikula.

Nag-enjoy nga at lumabas na nakangiti ang mga nakapanood na ng movie.

Umaasa ang mga kasama ni Sir Benjie na tangkilikin ng moviegoers ang pelikula at huwag ito bawasan ng sinehan. JP Ignacio

Previous articleDavao Occidental inuga ng M-4.8 na lindol
Next articleP25-P30 na pamasahe kakailanganin sa pagsakop sa gastos ng modernization – Manibela